Home » FAQ

Members’ FAQ

Ano po ang AFTI?

Ang AFTI o Association of Filipinos in Tonga, Incorporated ay isang non-profit organization ng mga Pilipino dito sa Tonga.

Ano po ang layunin ng AFTI?

Ang pangunahing layunin ng AFTI ay ang patatagin ang samahan ng mg Pilipino sa Tonga. Sa ganitong paraan ay mapagtitibay natin ang ating tiwala at kumpiyansa sa isa’t isa sa ikagagaan ng ating kalooban upang tayo ay mabuhay sa dayuhang bansa na ating kinalalagyan nang tahimik, panatag, at matiwasay.

Anu-ano ang mga programa ng AFTI?

Sa ngayon ay mayroong apat na programa ang AFTI mula sa paghahanda para sa ng mga di-inaasahang pangyayari; sa pakikipag-ugnay sa ating embahada; mga handaan at pagititpon; at pakikipag-ugnay sa Labor Department ng Tonga government. Basahin po dito: AFTI programs

Para saan yung $10 Pa’anga na binabayaran kada taon?

Yung $10.00 TOP ay annual membership fee. Yun po ay napupunta sa ating Special Funds para sa funeral assistance.

Para saan yung $5 Pa’anga na binabayaran kada buwan?

Ang $5.00 TOP na monthly dues ay napupunta sa Regular Funds. Ito ay pondo para sa ating mga programa, kaganapan, at emergencies.

May financial benefits po ba akong matatanggap sa asosyasyon?

Wala. Ang AFTI ay isang civic non-profit organization. Ito ay hindi paluwagan, bangko, o insurance company. Ang pondo na naggagaling sa membership fees, fund raisers, at donations ay ginagamit sa pagpapatakbo ng orgnisasyon at tulong sa mga miyembrong namatayan.

Meron po ba akong makukuhang pera pag-uwi ko?

Wala. Yung mga binabayad po ninyo na Limang Pa’anga kada buwan ay ginagamit sa mga programa ng natin. Wala po tayong paluwagan.

Meron bang medical benefit ang isang miyembro?

Wala pong medical benefits na binibigay ang AFTI. Ang gastos sa medical emergencies, gamot, o hospitalization ay dapat sagot ng inyong employer. Kaya siguraduhin po ninyo na nasa kontrata ninyo ito.

May sweldo ba ang mga officers ng AFTI?

Wala. Katulad po ng lahat, ang mga officers ay may kanya-kanya ding trabaho at responsibilidad sa pamilya. Kami ay tauspusong naglilingkod nang walang sahod.

Ano ba ang Funeral Assistance?

Ang funeral benefit ay pera na naghahalagang $500.00TOP na binibigay sa miyembrong namatayan tulong sa pagpapalibing ng yumaong beneficiary. Ang perang ito ay nanggagaling sa Special Funds.

Paano makakakuha ng Funeral Assistance

Kelangan po nating mag-apply for funeral assitance at magsumite ng death certificate galing sa medico legal, punerarya, o hospital. Ang pangalang ng yumao ay dapat tumugma sa panagalan ng beneficiary na inyong inilagay sa Membership Application Form.

Bakit wala akong natanggap na funeral assistance?

Maaaring hindi kumpleto ang iyong buwanang bayad; hindi eligible ang yumaong kamag-anakj; o naubusan ng pondo ang special funds.

Sino-sino ba ang eligible para sa funeral assistance?

Mga anak, magulang, at kapatid – kumporme sa inyong katayuan. Basahin po ang guidelines sa ibaba.

Pwede bang magtrabaho na Visitor Visa ang hawak?

BAWAL PO YON. Malaki po ang multa pag kayo ay nahuling nagtatrabaho na walang tamang visa. Maari din kayong makulong o madeport.

RegPop


 

Only administrators can add new users.

This will close in 20 seconds

This will close in 20 seconds