Home » CONSULAR MISSION

CONSULAR MISSION

Posted by:

|

On:

|

Congratulations for a successful Consular Mission to Tonga at maraming salamat po sa Consular team ng Philippine Embassy – Wellington led by Minister and Consul General Christopher Aro, Officers Joel Pangilinan, Jobert Esguerra; Labor Attache Angel Borja ng Migrant Workers Office – MWO (Dating POLO), at Bing Tolentino MWO-OWWA. Naging very productive yung mission na isinagawa nung 17-18 May kung saan nakapagpa-renew ng kanikanilang passports ang ilang kababayan natin. Laking pagpupugay din sa mga bagong Filipino Citizens na nanumpa ng katapatan sa ating constitution sa harap ng ating bandila kasama sina Lolo Ramie, Dave, Tita Leody, Dean and family. Naging Kaliwanagan patungkol sa hangarin ng ating gobyerno at mga labor issues ang natalakay sa Town Hall na ginawa nung Linggo, 19 May. Laking pasasalamat po sa lahat ng dumalo at naghanda ng pagkain: Kay Meleana at mga taga PTH na dumating in full force sa Town Hall, John Paul Chapman who came Saturday to reiterate his support for the mission, kay INC Minister Ka Kim and congregation; kay Sister Teresa, sa mga kasamahan natin from Angelica’s Tailoring, Ancient Tonga, ACS, Eco-Reef, R&M, Ji-Long, Calibre PM, New Era, at iba pa. Special thanks kay Mercy sa SMS Ops, Eddie sa speaker, kay Marilyn sa biko, Bikoy sa security at setup ng Generator, kay Cheche Tupou sa napakasarap na lunch, Edward G sa currency exchange, at sa mga AFTI officers who went out of their way to make this event a success. Sana ay mapagtibay pa po natin ang samahang ito. Maraming salamat at mabuhay po tayong lahat!

RegPop


 

Only administrators can add new users.

This will close in 20 seconds

This will close in 20 seconds